Sarbey 2: Filipino (Huli na Nang Ika’y Mahalin)

Huli na nang Ika’y mahalin, huli na,

O Kagandanhang bago’t noon pa!

Ika’y mapanuyong nanahan sa loob ko,

Ngunit sa labas kita hinanap at tinungo.

Ako’y nagpasasa sa ganda ng ‘Yong likha.

Nasa akin Ikaw, ngunit ako sa ‘Yo’y wala.

Bumihag sa akin ang Iyong mga gawa,

Ngunit kung ‘di sa ‘Yo, sila’y di madama.

Tumawag Ka, humiyaw, at pagkabingi ko’y nawala,

Umilaw Ka, nagningas, at ako’y nakakita.

Ikinalat mo sa akin ang Iyong halimuyak

Ito’y naamoy, at ikaw na’y hanap-hanap.

Ikaw nga  ay akin nang nanamnam

At ngayon, sa ‘Yo ako gutom at uhaw.

Ang marahan mong haplos ay aking naramdaman,

At nangangati ako ngayon sa ‘Yong kapayapaan.

1. Ano ang tinutukoy na bago at noon pa? Bakit ganoon ang turing dito? Ano talaga ang sinisimbulo nito?
2. Paano napawalay ang nagsasalita sa bagay na kanyang tinutukoy?
3. Alin ang nakasira sa pagkabingi’t pagkabulag ng nagsasalita?
4. Ano ang kanyang ibig sabihin sa pagkakati sa Kanyang kapayapaan?
5. Alin sa limang pandama (senses) ang tinukoy? Ano ang kahalagahan ng pagsama sa kanila?
Advertisements

Tags: , , , , , , , ,

2 Responses to “Sarbey 2: Filipino (Huli na Nang Ika’y Mahalin)”

  1. serpao Says:

    mga mungkahi:
    1. gawing malaking titik ang ‘Ika’y’ sa unang linya.
    2. parang malabo ang ‘tinakpan’
    3. MGA TRIP KONG TANONG PARA SA KWIS
    (sana multiple choice)
    > Ano ang damdamin ng nagsasalita sa linya 1-2? panghihinayang
    > Nasaan daw ang Diyos sa linya 3? sa loob
    > Sa linya 4, 5, 7, 8 saan hinanap ng nagsasalita ang Diyos? sa mga bagay sa mundo
    Matching type linya at pandama
    > linya 9
    > linya 10
    > linya 11
    > linya 13-14
    > linya 15-16
    > Ano ang ginagawa ng Diyos sa tula? inaakit ang nagsasalita

  2. serpao Says:

    ilagay ang Ingles na bersyon para masuri ang salin.
    sarili mo bang salin ito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: